The Heidi in me playing with the Fluffy clouds:

  • Rina.
  • 15 years old.
  • Into deep emotional, mental self-renovation.
  • Undergoing the teenage-dirt-bag stage.
  • Trying to figure out what my existence is for
  • Celebtrity look-alikes: Jasmine Trias, Sarah Geronimo, Toni Gonzaga and Olivia Daytia [yan na Grapes ha] (hahahaha! Based from different people's opinions)
  • Suffering from the attacks of ironies of the world
  • Quite into Filipino Poetry nowadays
  • Dreams of filming her own Experimental/Independent Films
  • A sucker in Math
  • Mentally and Emotionally disturbed.

    Archives



    My fluffy friends, loud as a cloud:

     .Previous blog_Sucky Sucky Self.

     .Kuya.
     .Selah.
     .Nikki.
     .Shiela.
     .TK.
     .Bianca.
     .Reinna.
     .Greggy.
     .Dan_Ryan.
     .Stacy.
     .Erpak.
     .Melai.
     .Ellis.
     .Dana.
     .Zai.
     .Jericho.
     .Drazen.
     .Grapes.
     .Darise.
     .Gabby.
     .Micah.

     .Means of Conceitedness.
     .Friendster Profile.


    Wishy-wishy Wish List:
  • A PASSING grade in Math next school year
  • A better environment (politics, economy, school, friends and at home)
  • WORLD PEACE!
  • Intelligence, a true one.
  • An honest memory
  • Camcorder (for filming)


  • Sunday, April 16, 2006

    04/16/06

    Kahapon ang isa sa pinakamahabang araw ng buhay ko.

    Happy Easter.

    Ilang Easter na ang lumipas at hanggang ngayon eh hindi pa rin ako kumakain ng itlog.

    Feeding Program

    "Lugaw ni Lomibao para sa mga batang Ligaw"

    Pagkababa ng sasakyan, yan ang banner sa bumungad sakin. P*tangina, sinabi ko sa isip ko. Akala ko wala lang... meron pala. "Feeding Program" kuno.

    Pers tym kong pumunta sa opisina ng tatay ko. Maganda. Yun na ang pinakamagandang naging opisina ng tatay ko. DPRHDD daw ang tatay ko, hindi ko maintindihan. AT Innova ang Police car dun. Hindi katulad nung Toyota Corolla (1990) na Manila's Finest daw ayun sa isang e-mail sakin. Sosyal.

    Ipinakilala kami ng tatay ko sa mga pulis. May General. Halos lahat Colonel. Nagtataka lang ako, bakit "My ONLY Wife" ang pagpapakilala niya sa nanay ko? At salamat nga pala kay General Bataoil at kay Col. Azares, maganda daw ako sabi nila. *pa-cute smile*

    Tapos na ang misa. Naglabasan na ang mga camera. Camera ng ABS-CBN, ng GMA7, camera ng mga dyaryo. Nilabas na rin ang mga lugao, plato, itlog at kutsara.

    Inaamin ko, nababahuan ako. Tinakpan ko ang ilong ko. Naiyak ako. At ikinahiya ko ang sarili ko.

    Nahiya akong humarap sa camera. Nahiya ako sa magara kong suot. Nahiya ako na anak ako ng isa sa mga nag-organize nun. Nahiya ako na malinis at nakaligo ako. Nahiya ako dahil naka-sapatos ako. Nahiya ako na naka-sasakyan pa ako nang makita nila ako. Nahiya ako dahil pumunta ako dun.

    Tinignan ko sila. Tinawag silang "Less Fortunate". Punit-punit ang damit. Amoy ihi. Madungis. Walang tsinelas. Naglalakad ng naka-paa. May isang nanay, dala-dala ang anak at pinapasuso. Lahat ay sabik na sabik sa lugao...kakarampot na lugao.

    Lalo akong nahiya.

    Tinututukan sila ng camera. Pilit pinapangiti. At pinagkakakitaan sila ng pera. Ayos! May maisusulat na naman sa dyaryo. May balita na naman sa TV. May mga tao na namang nakaranas ng ka-unfair-an ng mundo...

    Nandun ako, nakaupo. Tinanong ako ng nanay ko, "Want to help the feeding?". Sumagot ako, "It's all hypocrisy". Hindi na ako sumagot pagkatapos. Nahiya ako. Sobrang hiya.

    Binabato ng candy. Sige, habulan! Yung maliliit, nadaganan. Na-imagine ko tuloy ang Stampede na nangyari sa Wowowee.

    Isinampal ko sa kanilang mga mukha na mapalad ako. Na maswerte ako. At sila? Less Fortunate daw. Ang kapal ng mukha ko.

    Hipokrito. Ako. Sila. Kami.

    Honor. Honor lang naman ang gusto ng mga pulis 'di ba? At LUGAW? Hindi pa yun sasayad sa bituka...sa bituka ng gutom.

    Kumain din ako... Pero hindi kasama sila. Kasama ang mga pinaka-boss. Mga general, colonel, reporter at cameramen. Lalo akong nahiya. Lalo ko silang ipinahiya.

    Umalis kami at ni hindi ko man lang nagawang ngumiti.

    Nakayuko.
    Humahakbang palayo.
    Umalis akong walang ipinakitang mukha.
    Umalis akon... hindi tao.

    Baywalk

    Disappointed ako sa baywalk. Madumi. Makalat. Mabaho. Polluted. Naaawa ako sa mga foreigner, walang na-hita sa Pilipinas. At hipokrito ako kapag sinabi kong hindi ko ikinahiya ang Pilipinas. Nakakahiya. Uncivilized.

    SM Mall of Asia

    Ang laki! Ang ganda!

    Megamall + Shangrila + St. Francis Square + Podium= Mall of Asia

    SM Ayala + Glorietta + Landmark + Greenbelt = Mall of Asia

    SM North x 10 (raise to 4) = Mall of Asia

    *Tapos na ang pakikibaka kay Belisario pero patuloy pa ring naglalaro ang Math sa utak ko*

    Wow Philippines

    Ayos! Mura ang bilihin. Maraming bagay ang pwedeng ipabili kay Daddy. At nakahanap na rin ako ng regalo kay Jen!

    Kalesa

    Sa wakas, sa 15 taong nabubuhay ako, ngayon lang ako nakasakay ng kalesa. At patuloy kong iniisip kung ano ang pinagkaiba ng karwahe at kalesa?

    Ang Snatcher at ang Prinsipyo ng Tatay ko

    Yun ang unang beses na nakakausap ako ng snatcher. Nasa sasakyan kami nang biglang kumatok si mamang Snatcher. Inaalok ang tatay ko ng Omega na relo at isang gintong kwintas. Alam kong snatcher siya. At nagulat ako ng aminin nyang snatcher siya. Ninakaw daw nya yun sa isang foreigner sa Star City. Ulol, sabi ko sa isip ko. Buti nga daw hindi Pilipino ang ninakawan niya. Pero gago ba siya? Tao rin yun kahit foreigner.

    P1000 ang unang alok sa tatay ko. Iniisip ko na kakagat siya. Nangongolekta ng relo ang tatay ko, lalo na yung mga ganung relo. Omega yun. Umiling ang tatay ko. P500 na lang daw. Umiling pa rin ang tatay ko. Doon ko napatunayan ang prinsipyo ng tatay ko.

    Hindi siya nagpakilalang pulis. Hindi niya hinuli ang snatcher. Naawa siya nang sabihin nitong para sa kakainin ng pamilya. Nagulat ako. At pinatunayan niya ang prinsipyo niya bilang tao.

    *palakpakan! Dat's my Dad!*

    Fort Santiago

    Ilang taon na rin nung huli akong pumunta dun. Mga 9 na taon na siguro ang lumipas. Bagama't hindi na sariwa ang memorya ko ng Fort Santiago, alam ko na marami nang nagbago.

    Natuwa ako sa costume ng mga guardiya. Mga guardiya sibil ang drama nila. Naisip ko Noli Me Tangere at ang kabobohan ni Rizal.

    Pinuntahan namin ang museum ni Rizal. Maraming sinulat. Daig pa si Jesus Christ sa dami ng papuring natanggap. Daig pa si Nora Aunor sa memorabilia. At daig pa ang mga santo sa ganda ng rebulto.

    May nabasa ako. Hindi ko lang alam kung tama ang interpretasyon ko, pero nararamdaman ko na ikinahihiya niya maging Pilipino. Ang kapal ng mukha niya. Ilang sampal ang natanggap niya mula sa akin (sa isip ko). At sinampal din ako ng aking utak sa pagbabasa ng kanyang mababang uri ng literatura. Mababaw siya magsulat. Pangit ang mga metapora. Walang kwenta ang mga simbolismo. At siguro, isa ito sa dahilan kung bakit kakaunti ang mga manunulat sa Pilipinas. Tsk.

    Maraming Foreigner. Natuwa ako. Tumaas na naman ang turismo ng Pilipinas. Marami na namang Pilipino ang namimilipit ang dila sa pag-iingles habang kausap ang mga kano. Ang puputi. Nakakainggit. Tinanong ko ang sarili ko, nahihiya kaya sila na lahi nila ang isa sa mga nagpahirap sa mga Pilipino at isa sila sa mga dahilan kung bakit nabuo ang Fort Santiago? Demyu ol!

    Nakakita rin pala ako ng kano na kamukhang-kamukha ni Drew Barrymore pero lalaki at matabang amerikano na kamukhang-kamukha ni Tom Cruise. Mataba nga lang. Tsk tsk.

    Nakakapagod. Mainit. Nasunog na naman ang balat ko. Pati ang kaluluwa ko.


    reality-based still clings on || 6:21 PM

    0 Bougainvillea Bloomed:

    Post a Comment

    << Home